Friday, June 10, 2005

† second to the last drama †

"mahal mo ba ako?"

maka-ilang beses ko na rin 'tong itinanong sayo. maraming beses mo na rin akong sinagot ng "oo", "siguro", "sigurado", "ewan" at "hindi". nakakalitong isipin kung bakit sa iisang tanong ay higit sa isa ang maari kong makuhang sagot pero nakakaaliw din na mas madalas kesa minsan, hindi ko inaasahan ang mga naririnig ko. ngayon kaya, ano ang isasagot mo?

sh*t! f*ck! past tense na nga pala at hindi present tense ng salitang "mahal" ang dapat gamitin. haay... pinagtaksilan na naman ako ng aking subconscious. nabubuko tuloy na ako ay isa't kalahating asa. but i can't blame you if you can't answer my question now as fast as definite answers should come out, because different people have different views on love. most people think that love is abstract, and maybe, it's the same reason why you left, because we can't see love from the same perspective. i was here and you were there. i was willing to meet you halfway but you ran away. i tried to catch up, only to find out you were running for someone else din pala.

"minahal mo ba ako?"

sinubukan kong pigilan ang sarili ko na magtanong. pinilit kong hanapin ang kasagutan ng ako lang mag-isa, pero ikaw lang talaga ang makakasagot n'yan.

pero kung ako ang masusunod...

sana hindi mo ako minahal. sana niloko mo na lang ako. sana laro lang ang lahat para sa'yo. kasi kung minahal mo 'ko, ayoko nang magmahal ulet. napakawalang-kwenta pala ng pagmamahal na 'yan. isa lang palang "commercial conspiracy" ang love para bumenta ang chocolates, flowers at stuffed toys tuwing Valentines. kung minahal mo ko, ang love pala parang buhay ni Juday sa "Mara Clara", ung tipong mas marami ang lungkot kesa sa saya, ang luha kesa sa tawa. kung minahal mo ko, masisira ang balanse ng mundo. kung minahal mo 'ko mas mangingibabaw ang yin kesa sa yang. kung minahal mo 'ko, may mga demonyo sa langit, may mga anghel sa impyerno at ako ay kasalukuyang nasa purgatoryo.

sana talaga hindi mo 'ko minahal. sana yang ang sagot sa napaka-kulit kong tanong. hindi iyon dahil sa galit ako sayo o sa nangyari sa'tin, kundi dahil sa gusto ko pang mahalin mo ayon sa alam kong dapat na kahulugan nito. ayon sa pagmamahal na alam kong deserving ako. gusto kong mahalin mo ko bilang ako lang at hindi bilang panakip-butas sa isang "tragic" na nakaraan. gusto ko pang maramdaman kung ano man ung gusto mong ipadama sa taong "tanga" na pinagsasayangan mo ng luha mo...

"mamahalin mo pa ba ako?"

alam kong hindi na. hindi lang hindi kundi "hinding-hindi." but i guess you should. 'cause you still haven't given me what i deserve.. i deserve to be loved to it's fullest meaning and deepest core. gaya ng pagmamahal ko sa'yo.

***
writer's note.
hindi ko po ginamit ang salitang "pag-ibig" dahil ako po ay nakokornihan sa salitang iyon. saka ko na gagamitin iyo pag may asawa na ako at nasa tamang edad. ito po ay ginawa ko nung bakasyon dahil laging walang ilaw samen at walang ibang mapaglibangan kundi ang magmukmok at magmuni-muni. parang ganito. muni muni muni muni muni muni muni muni muni muni muni muni... at magmuni-muni pa ulet. üü

No comments: