nung bata pa ako*, madalas kong tanungin ang nanay ko:
"nay, bakit ang tawag ng mga kaklase ko sa nanay nila 'mama' ako tawag ko sayo 'nanay'?"
bata pa ako, i know i have this cute way of saying/asking things in a better, subtler way, and as for this question, i knew what i really meant was "mahirap lang ba tayo?". kasi naman napaka ambitious ng parents ko, sa montessori ba naman ako pinag-nursery? e mga sosyalin mga classmates ko dun... kaya ganun.. mejo culture shock ako.. kasi at a young age nagmumurahan** na sila. hehe.. ako nga "pepe" lng at "etits" di ko pa kayang sabihin that time.
sabi naman ng "nanay" ko:
"love***, ang 'mama' kasi, yun ang kastila ng 'mommy' at dahil wala tayong influence ng pagka-kastila e 'nanay' na itinawag mo sakin kasi diba dun ka na nasanay? at saka iyon din ang naririnig mo sa mga tita mo diba?"
and for that i knew she meant: "anak, di tayo mahirap, and even if we are, it's not something to be ashamed of kasi we love each other and it's all that matters. tama ba?"
and from then on, i don't feel anything weird anymore kapag nagkwekwentuhan kami ng classmates ko, when i'm referring to my mom, i say "nanay ko kasi ano e... blah blah blah..." and when referring to their mom "musta na mama mo an so on and so forth". it makes me feel proud na mahal ako ng "nanay" ko kumpara sa mga "mommy", "mama", "mamu", "mamita", "mudra" and in some cases "maderpaker" ng ibang anak jan na sa tawagan lang maganda pero hindi marunong magmahal at mag-alaga ng anak.
and just this vacation... my "nanay" had once again proven to me that she loves me more than herself...
ayun... isang umaga... ginising nya ako...
"anak, gumising ka na tanghali na! aba't ala-una na ng tanghali, ang init-init na di ka pa rin gumigising. parang c kuya germs ka na ah 'walang... GISINGAN'!! tumayo ka na dyan at may kape ka na sa lamesa, bilis at ililigpit ko na 'tong hinigaan mo."
so ayun.. tumayo na ako dahil gustuhin ko mang mas matulog pa dahil alas-kwatro na ko nakakatulog nung bakasyon e hindi ko na magawa dahil sa ina-armalite na ako ni nanay sa kanyang mga sermon or kung sermon nga ba iyon. nagpunta ako sa lamesa. nakabusangot ang mukha at nakapangalum-baba. yun bang tipong parang nalugi sa negosyo.
and she's like "o ba't lukot mukha mo?"
gusto ko sanang sabihin.. "kasi wala na kami, at nalulungkot ako kasi mahal ko pa sya. hanggang kelan ako malulungkot? 'nay ganun ba talaga?".
sabi nya.."kasi naman, oras na ng tanghalian nag-a-almusal ka pa lng? mamaya ka na lng matulog pagkatapos ng tanghalian, mamayang hapon. pupunta ako sa palengke, 'kaw muna maiwan dito.". habang sinasabi nya yun nakatingin syang maigi sa'ken.
alam ko naman nahahalata nyang may problema ako, na magulo isip ko, na paminsan hindi lang puyat ang dahilan ng pamumula ng mata ko sa umaga. pero hindi nya ako tinatanong. dahil alam nyang hindi ko rin naman planong sabihin. cguro nga totoo, na walang makakatalo sa bonding ng isang ina at kanyang anak... na ang kanilang katahimikan ay higit pa sa masalita at showy na pagpapakita ng pagmamahal sa isa't-isa.
as usual, sumasagot sya ng crossword puzzle ng isang local tabloid while i was drinking my coffee na tinimpla nya. she asked me 'bout some questions there like ano ang element symbol ng kung anik-anik sa periodic table of elements o kung ano ang capital ng ganitong bansa or kung ano ang surname ng isang american actor. ung mga tanong na madalas makita sa crossword puzzle. at since magkausap na kami, at pupunta na rin naman sya sa palengke, at di ko alam ang ibang sagot sa puzzle, hiniram ko na lng ang bolpen nya at nag-doodle sa tabloid.
"o bago lang 'yan, bababuyin mo na naman!"
"asus! para ito lng eh... kala ko ba mamamalengke ka na? go na! gutom na 'ko. hehehe.."
"saglit lang, huhugasan ko muna ung pinag-kainan mo, iiwan mo lng dito eh baka daga-in."
"bat naka sleeveless ka? 'kala mo sexy ka? hehehe.."
"bilisan mo na kumain."
"patingin nga ng braso mo."
"o anung gagawin mo?"
"magdro-drawing ako..."
"ano na naman yan?.."
"saglit lang.. wag ka malikot."
ayun... at nagdrowing ako ng flower sa braso nya. mga singlaki ng santan. gamit ung panda bolpen na kulay blue... cguro alam nya na nalulungkot ako, kaya hinahayaan nya ako mag-trip hoping na kahit papa'no e mapasaya nya ako...
"anu yan?" *sabay pahid sa tinta ng drowing ko*
"bulaklak, uy ano ba? wag mo burahin. pag binura mo yan wala kang kwentang nanay! hehehe"
"tapos ka na ba? aalis na ako"
"ayan. pede na ba 'kong tattoo artist? cge alis ka na... matutulog ulet ako. wag mo buburahin yan ha?"
ayun, umakyat na ako ulet, at nagpunta na sya sa palengke...
pagkagising ko, dala na nya ung mga napamalengke nya at may bonus pang mais, na alam nyang paborito ko bago mag-lunch.
umalis sya at umuwi nang may drowing ng flower sa kanyang braso...
"ang nanay ko talaga...
----------------------------------------------------------------------
writer's footnotes:
nung bata pa ako* (around kindergarnish or so)
nagmumurahan sila** (ex: hoy bata! puki nang ina mo!)
love*** (she pronounces it as lab, kulet 'no? that's how she and my father calls me before i went to high school)
b-day nya nung june 3. di ko nabati, nalimutan ko e. alam ko na june 3 birthday nya, pero nalimutan ko na june 3 pala nung araw na yun. nung araw ng june 3. june 6 na nung na-realize ko. sensha na senyo. hehehe... love ko naman sya e. saka di sya nagalit 'no?
No comments:
Post a Comment