Thursday, June 09, 2005

† masarap pala ang shopao †

"What uniform should I wear to hide my heavy heart? I'm afraid it is too heavy. It will always show." -Jean Cocteau
    kasalukuyan akong nanonood ng VH1 specials sa MTV channel 41 nung may nakita akong isang hindi sikat na kanta at yan ang bungad na quotation. kung di ako nagkakamali ang pamagat ng kanta ay "is it wicked not to care?" na mula sa isang hindi sikat na mang-aawit. (di sikat kasi di ko kilala. wakocoke!) sabagay, puro na kasi vintage videos ung nasa VH1 e. wala lang natuwa lang ako sa kanya. (sa quotation) at aaminin ko po, sa sobrang ka-senti-han ako po ay naiyak. wakocoke. at si-nave ko sa aking cellphone ang quotation na aking nabasa. why? coz i can relate. wakocoke!
      nga pala. break na cna mark herras at jennylyn mercado nung june 2, at anniv nila nung april 29. buti nga! bwahahaha.. di joke lng. pakelam ko ba sa kanila?
        first tym ko kumain ng shopao o siopao ngayong june 9. ewan ko ba. hindi kasi ako kumakain ng shopao. nung una akong nakakita ng shopao na-weird-uhan ako kasi isipin mo un? isang manamis-namis at puting-puting tinapay na may palamang ulam sa loob. *yuck* paborito ng mga kabarkada ko ang shopao, at paminsan tinatawag nila akong "tanga" at "maarte" dahil sa hindi ko pagkain nito.
          dno: "niel gusto mo ng shopao?"
          me: "ayoko e! di ako kumakain nyan. iew!"
          dno: "tanga ka? ang arte-arte mo. ang sarap sarap nito e."
          me: "kinakain ko lng jan ung puting part. ung tinapay. un na lng penge pakurot."
          dno: "eeh! wag na"
          me: "damot... di wag! hmpf!!"
            ganyan ang madalas na usapan namen ng aking kabesprenan tungkol sa shopao. at biglang bigla, nung june 9 naisip ko lahat ng shopao na nakita ko, at nagsisi ako dahil di ko kinain ang mga shopao na inalok sa akin nung mga nakaraang bahagi ng buhay ko. sa totoo lang naisip ko, ano naman ang weird sa tinapay na may ulam sa loob? dba? dba? at bigla ako ay nagutom.
              sa isang banda, maaaring psychologically benefitting ang pagkain ko ng shopao. dba? parang it's sorta kinda way of moving on. kasi i did something i don't usually do, or in my case, i ate something i don't usually eat. and sabi nila, when most people do that, they're on their way to moving on...
                well... sana nga... basta ang masasabi ko lang...
                  "masarap pala ang shopao!"
                    ***
                    writer's note:
                    kung kakilala n'yo c jennylyn mercado paki-sabi kumain sya ng shopao at gagaan ang kanyang pakiramdam. panigurado kahit saglit uurong ang mga nag-babadyang luha at malilimutan nya saglit c mark herras.

                    No comments: