Friday, June 24, 2005

† 50 first dates †

napanood mo na ba yung movie na 50 first dates? ung kay drew barrymore at adam sandler. i did. and i loved it. un nga lang, akala ko romantic-comedy un, pero nalungkot ako. i pity the girl in the movie. kasi, it's like the girl's memory for a day's duration is erased every time she sleeps, 'coz she went through an accident which has damaged her brain, so her brain could not process new information. kaya for her, hindi nagbabago ung date. everyday for her is a deja vu except that she doesn't know a thing at all. like for example if the accident happened on april 6, everyday of her life will be april 6th for her. and they can't tell her what has happened kasi mixed emotions ung mararamdaman n'ya dba? at kahit sabihin sa kanya, malilimutan nya rin kinabukasan.

Drew Barrymore as Lucy, 50 first dates.
Image hosted by Photobucket.com

there's even the part where, they (she and adam) first kissed, and she said, "nothing beats the first kiss.". it's supposed to be funny 'coz she's like saying it everyday, but i feel sad for her, because a first kiss is supposed to be remembered. mahirap din sa part nung guy. kasi isipin mo naman dba, he has to win Lucy's heart everyday of his life.

but i honestly envy her. coz, at least she forgets...

san ba nakakabili ng "selective amnesia"? i think i badly need one. better yet, kailangan kong mamakyaw. =(
    ***
    by the way, my nabasa akong text, and it goes like this:
      "someone told me that when i was young, i was asked either to have my memory erased or to have you in my life, from then on i can't remember anything, and that explains why."

      Thursday, June 23, 2005

      † a free writing †

      free writing. walang pause. walang edit. walang utak na ginamit. this is what i feel ryt now. without fancy words, without inhibitions.
        time started- 3:27 pm
          nalulungkot ako. hindi ko alam kung bakit? ewan ko ba, naiinis ako na nalulungkot na sa totoo lang e wala naman talaga akong nararamdaman. i'm as empty as the sahara dessert. may tutubong cactus, magkakabuhay, magkakaflower, tapos mamamatay. naghahanap ako ng oasis pero wala akong makita. i'm all dried up. i'm so empty. why can't someone fill me up? and be the snow in my sahara. the kind which is perpetual and never ending. i'm so tired of waiting. i don't even know if there's something that i'm waiting for or it's that something which is waiting for me. i'm like a sad smiley. sa pangalan lng smiley, pero sa totoo lang e malungkot. bakit ako ganito ngaun? hindi naman ako ganito dati. naiinis ako. nami-miss ko na ung dating ako. ung ako na nagmo-mall mag-isa ng masaya. ung ako na nakakalakad ng walang kasama pero ok lang sakin. ung ako na walang pakelam sa mundo. ung ako na bihirang malungkot. ung ako na bihirang mag-isip. ung ako na lakad lang ng lakad at kadalasang nauuna sa mga kasabayan ko. i miss the old me. at anu tawag dito? bakit ako nagdradrama? wahekhek... maderpaker talaga. shet... magpapakamatay na ba ako after this? this seems like a suicide note for me. basta. this only boils down to one thing. nalulungkot ako. pero ano nga kaya ang dahilan? hindi ko alam. lahat ng nararamdaman ko ngayon umiikot sa salitang "cguro". cguro kasi mahal na mahal and when i say mahal it means "mahal" ko pa c yoh and i'm unrequited. cguro kasi hindi ko sya napasaya and i feel bad kasi nasayang lang ung oras nya saken. cguro kasi my confidence and faith was crushed and was buried 6 feet under. cguro kasi wala akong mapagsabihan. cguro kasi alam kong walang makaka-intindi sakin. gosh.. paalam.. premonition na yata ito na mamatay na ako? dba mga naa-aksidente nag-gaganito muna of some sort... nakakainis talaga. naawa ako sa sarili ko dahil ngayon ko nari-realize na maraming kulang sakin. sobrang dami na walang makakadama ng existence ko kahit mawala ako. i used to think i could create a butterfly effect*, pero tingin ko i don't even amount to a single flap of a butterfly's wings. i'm a trash. i'm no one. i'm not anything special. i'm not different either. i don't want to be different and i hate those people who flaunt that they are different and because of that they're astig and us common people are "kawawa". real shit. plastic. i'm just me. and i'm sorry for being me. i met someone i thought was perfect for me, loved in a perfect way, loved in a perfect time... but now we're perfect strangers. because to him i'm not perfect. and i wasn't being close to being one. but why does everything that ends has to start if it will eventually die?
            *butterfly effect - a belief that "a single flap of a butterfly's wings would be enough to create a hurricane to the other side of the earth". it's like a "one thing leads to another thing". a theory that evrything is interrelated so if u change a small detail it will leave a big impact after a period of time.
              time finished- 3:38pm
                please bear with me. i hate drama queens and kings. i guess i'm one of them now. i belong.

                Monday, June 20, 2005

                ü my first fanmail ü

                who would've thought? may fanmail akong natanggap from friendster! hehehe... pano n'ya kaya ako nalocate? thru my name? thru my e-mail add? panu n'ya naman nakuha? hehehe...
                  ewan ko ba... i never thought of myself as someone who should be heard or seen. although it would be nice to be treated like that. i don't know much, and i'm not much of a pretty sight either. pero sabi nga nila:
                    men fall in love through their eyes;
                    women through their ears...
                      so would that explain why karamihan sa magagandang babae ay may pangit na boyfriend? at karamihan sa matatalinong lalaki ay mga uto-utong girlfriend?
                        i guess not; i hope not...
                          naku nalilito na ako... nawawalan na ng consistency at coherence ang aking entry na ito.. hehe.. anu nga ung kinekwento ko? fanmail.. cge na nga.. ito na..
                            Sender: Nakanafan
                              Date:
                              Saturday, June 18, 2005 2:35:00 AM
                                Subject: just curious…

                                  hellow po! ako po ay isang malaking tagahanga ng iyong blogsite. Samakatunayan, lagi ko po itong binibisita. I admire you for how you look at things... Your blog is really a good read... I don't get tired of reading your posts nga eh, lahat po binasa ko.
                                    Nkakaenjoy..
                                      anyway, ang mysterious ng dating mo kaya pinagtyagaan pa kitang hanapin d2 sa friendster para lang makita kita.
                                        uhm... im just curious... boy ka ba o girl? kasi sa blog mo, u keep on mentioning about your bf... and when i check naman your profile here sa frienster and sa blog. akalain mo, boy ka pla...
                                          hindi ako chismosa. wala lang. just wanna know. kaya sana u can find time to reply d2...im really a big fan... i need to know...tnx a bunch!
                                            end of message
                                              ---------------------------------------------------------------------
                                                cno kaya itung bata na ito? mukhang napabayaan ng magulang nya.. ehehehe... pariwara na cguro sya? akalain mo, name ng friendster nya "nakanafan". as in. sheez! e madali pa naman akong ma-flatter... actually flat na ako ngaun. hehehe.. ayan tuloy gusto ko na tuloy siyang pakasalan! hehehe! joke lng! üü
                                                  ----------------------------------------------------------------------
                                                  at ito po ang aking reply:
                                                    abnormal ka no? hehehe.. joke lng. di nga? lyk mo blog ko? thanks naman. well.. bout my gender, i'm a boy po... 18 pa lng me.. it may sound weird, pero i like both girls and guys. hmn... cguro in a 1:4 ratio. that's why i had a boyfriend. hehekhek... wakocoke... nakakatuwa ka naman... 'lam mo kasi... i think, and from what i've seen.. there are so many great bloggers sa mundo ng blogsites... at madalas.. i feel inferior to them because they speak their minds more articulately (may word bang articulately?) than me.. hekhek...
                                                      try mo din mag blog. malay mo dba? things could turn out vice-versa... malay mo i shud be the fan pala and u shud be the one whom i was supposed to look up to.. dba? dba? hehehe... love yah! post ko nga 'to sa blog ko. ayan... crush na yata kita... hehekk... wakocoke!
                                                        sometyms, it's really the small stuff that counts. thanks for making my day complete aside from making it happy.. mwahehehehe.. üü
                                                          ala ka ba friendster ung profile mo tlga? add kita.
                                                            ***
                                                              writer's note:
                                                              sabi nga ni Sandara dati sa SCQ: "hi! i'm the weakest. so vote for me!"
                                                              saka:
                                                              "i want to say thank you to those people who like me and also to those who doesn't like me.".
                                                              *Sandara wave*

                                                              Friday, June 10, 2005

                                                              † second to the last drama †

                                                              "mahal mo ba ako?"

                                                              maka-ilang beses ko na rin 'tong itinanong sayo. maraming beses mo na rin akong sinagot ng "oo", "siguro", "sigurado", "ewan" at "hindi". nakakalitong isipin kung bakit sa iisang tanong ay higit sa isa ang maari kong makuhang sagot pero nakakaaliw din na mas madalas kesa minsan, hindi ko inaasahan ang mga naririnig ko. ngayon kaya, ano ang isasagot mo?

                                                              sh*t! f*ck! past tense na nga pala at hindi present tense ng salitang "mahal" ang dapat gamitin. haay... pinagtaksilan na naman ako ng aking subconscious. nabubuko tuloy na ako ay isa't kalahating asa. but i can't blame you if you can't answer my question now as fast as definite answers should come out, because different people have different views on love. most people think that love is abstract, and maybe, it's the same reason why you left, because we can't see love from the same perspective. i was here and you were there. i was willing to meet you halfway but you ran away. i tried to catch up, only to find out you were running for someone else din pala.

                                                              "minahal mo ba ako?"

                                                              sinubukan kong pigilan ang sarili ko na magtanong. pinilit kong hanapin ang kasagutan ng ako lang mag-isa, pero ikaw lang talaga ang makakasagot n'yan.

                                                              pero kung ako ang masusunod...

                                                              sana hindi mo ako minahal. sana niloko mo na lang ako. sana laro lang ang lahat para sa'yo. kasi kung minahal mo 'ko, ayoko nang magmahal ulet. napakawalang-kwenta pala ng pagmamahal na 'yan. isa lang palang "commercial conspiracy" ang love para bumenta ang chocolates, flowers at stuffed toys tuwing Valentines. kung minahal mo ko, ang love pala parang buhay ni Juday sa "Mara Clara", ung tipong mas marami ang lungkot kesa sa saya, ang luha kesa sa tawa. kung minahal mo ko, masisira ang balanse ng mundo. kung minahal mo 'ko mas mangingibabaw ang yin kesa sa yang. kung minahal mo 'ko, may mga demonyo sa langit, may mga anghel sa impyerno at ako ay kasalukuyang nasa purgatoryo.

                                                              sana talaga hindi mo 'ko minahal. sana yang ang sagot sa napaka-kulit kong tanong. hindi iyon dahil sa galit ako sayo o sa nangyari sa'tin, kundi dahil sa gusto ko pang mahalin mo ayon sa alam kong dapat na kahulugan nito. ayon sa pagmamahal na alam kong deserving ako. gusto kong mahalin mo ko bilang ako lang at hindi bilang panakip-butas sa isang "tragic" na nakaraan. gusto ko pang maramdaman kung ano man ung gusto mong ipadama sa taong "tanga" na pinagsasayangan mo ng luha mo...

                                                              "mamahalin mo pa ba ako?"

                                                              alam kong hindi na. hindi lang hindi kundi "hinding-hindi." but i guess you should. 'cause you still haven't given me what i deserve.. i deserve to be loved to it's fullest meaning and deepest core. gaya ng pagmamahal ko sa'yo.

                                                              ***
                                                              writer's note.
                                                              hindi ko po ginamit ang salitang "pag-ibig" dahil ako po ay nakokornihan sa salitang iyon. saka ko na gagamitin iyo pag may asawa na ako at nasa tamang edad. ito po ay ginawa ko nung bakasyon dahil laging walang ilaw samen at walang ibang mapaglibangan kundi ang magmukmok at magmuni-muni. parang ganito. muni muni muni muni muni muni muni muni muni muni muni muni... at magmuni-muni pa ulet. üü

                                                              Thursday, June 09, 2005

                                                              † masarap pala ang shopao †

                                                              "What uniform should I wear to hide my heavy heart? I'm afraid it is too heavy. It will always show." -Jean Cocteau
                                                                kasalukuyan akong nanonood ng VH1 specials sa MTV channel 41 nung may nakita akong isang hindi sikat na kanta at yan ang bungad na quotation. kung di ako nagkakamali ang pamagat ng kanta ay "is it wicked not to care?" na mula sa isang hindi sikat na mang-aawit. (di sikat kasi di ko kilala. wakocoke!) sabagay, puro na kasi vintage videos ung nasa VH1 e. wala lang natuwa lang ako sa kanya. (sa quotation) at aaminin ko po, sa sobrang ka-senti-han ako po ay naiyak. wakocoke. at si-nave ko sa aking cellphone ang quotation na aking nabasa. why? coz i can relate. wakocoke!
                                                                  nga pala. break na cna mark herras at jennylyn mercado nung june 2, at anniv nila nung april 29. buti nga! bwahahaha.. di joke lng. pakelam ko ba sa kanila?
                                                                    first tym ko kumain ng shopao o siopao ngayong june 9. ewan ko ba. hindi kasi ako kumakain ng shopao. nung una akong nakakita ng shopao na-weird-uhan ako kasi isipin mo un? isang manamis-namis at puting-puting tinapay na may palamang ulam sa loob. *yuck* paborito ng mga kabarkada ko ang shopao, at paminsan tinatawag nila akong "tanga" at "maarte" dahil sa hindi ko pagkain nito.
                                                                      dno: "niel gusto mo ng shopao?"
                                                                      me: "ayoko e! di ako kumakain nyan. iew!"
                                                                      dno: "tanga ka? ang arte-arte mo. ang sarap sarap nito e."
                                                                      me: "kinakain ko lng jan ung puting part. ung tinapay. un na lng penge pakurot."
                                                                      dno: "eeh! wag na"
                                                                      me: "damot... di wag! hmpf!!"
                                                                        ganyan ang madalas na usapan namen ng aking kabesprenan tungkol sa shopao. at biglang bigla, nung june 9 naisip ko lahat ng shopao na nakita ko, at nagsisi ako dahil di ko kinain ang mga shopao na inalok sa akin nung mga nakaraang bahagi ng buhay ko. sa totoo lang naisip ko, ano naman ang weird sa tinapay na may ulam sa loob? dba? dba? at bigla ako ay nagutom.
                                                                          sa isang banda, maaaring psychologically benefitting ang pagkain ko ng shopao. dba? parang it's sorta kinda way of moving on. kasi i did something i don't usually do, or in my case, i ate something i don't usually eat. and sabi nila, when most people do that, they're on their way to moving on...
                                                                            well... sana nga... basta ang masasabi ko lang...
                                                                              "masarap pala ang shopao!"
                                                                                ***
                                                                                writer's note:
                                                                                kung kakilala n'yo c jennylyn mercado paki-sabi kumain sya ng shopao at gagaan ang kanyang pakiramdam. panigurado kahit saglit uurong ang mga nag-babadyang luha at malilimutan nya saglit c mark herras.

                                                                                Wednesday, June 08, 2005

                                                                                † ang tattoo ni nanay †

                                                                                nung bata pa ako*, madalas kong tanungin ang nanay ko:
                                                                                  "nay, bakit ang tawag ng mga kaklase ko sa nanay nila 'mama' ako tawag ko sayo 'nanay'?"
                                                                                    bata pa ako, i know i have this cute way of saying/asking things in a better, subtler way, and as for this question, i knew what i really meant was "mahirap lang ba tayo?". kasi naman napaka ambitious ng parents ko, sa montessori ba naman ako pinag-nursery? e mga sosyalin mga classmates ko dun... kaya ganun.. mejo culture shock ako.. kasi at a young age nagmumurahan** na sila. hehe.. ako nga "pepe" lng at "etits" di ko pa kayang sabihin that time.
                                                                                      sabi naman ng "nanay" ko:
                                                                                        "love***, ang 'mama' kasi, yun ang kastila ng 'mommy' at dahil wala tayong influence ng pagka-kastila e 'nanay' na itinawag mo sakin kasi diba dun ka na nasanay? at saka iyon din ang naririnig mo sa mga tita mo diba?"
                                                                                          and for that i knew she meant: "anak, di tayo mahirap, and even if we are, it's not something to be ashamed of kasi we love each other and it's all that matters. tama ba?"
                                                                                            and from then on, i don't feel anything weird anymore kapag nagkwekwentuhan kami ng classmates ko, when i'm referring to my mom, i say "nanay ko kasi ano e... blah blah blah..." and when referring to their mom "musta na mama mo an so on and so forth". it makes me feel proud na mahal ako ng "nanay" ko kumpara sa mga "mommy", "mama", "mamu", "mamita", "mudra" and in some cases "maderpaker" ng ibang anak jan na sa tawagan lang maganda pero hindi marunong magmahal at mag-alaga ng anak.
                                                                                              and just this vacation... my "nanay" had once again proven to me that she loves me more than herself...
                                                                                              ayun... isang umaga... ginising nya ako...
                                                                                                "anak, gumising ka na tanghali na! aba't ala-una na ng tanghali, ang init-init na di ka pa rin gumigising. parang c kuya germs ka na ah 'walang... GISINGAN'!! tumayo ka na dyan at may kape ka na sa lamesa, bilis at ililigpit ko na 'tong hinigaan mo."
                                                                                                  like the usual moms, she's one hell of a nagger... mana nga ako jan e.. heheheh!
                                                                                                    so ayun.. tumayo na ako dahil gustuhin ko mang mas matulog pa dahil alas-kwatro na ko nakakatulog nung bakasyon e hindi ko na magawa dahil sa ina-armalite na ako ni nanay sa kanyang mga sermon or kung sermon nga ba iyon. nagpunta ako sa lamesa. nakabusangot ang mukha at nakapangalum-baba. yun bang tipong parang nalugi sa negosyo.
                                                                                                      and she's like "o ba't lukot mukha mo?"
                                                                                                        gusto ko sanang sabihin.. "kasi wala na kami, at nalulungkot ako kasi mahal ko pa sya. hanggang kelan ako malulungkot? 'nay ganun ba talaga?".
                                                                                                          pero ang sinabi ko.. "wala lng. naiinis ako e. kaw kasi eh. ang ingay-ingay mo, sana pinatulog mo pa ako ng mas mahaba-haba..". i said this flatly in a raspy voice. as if i'm a zombie na wala pang tulog. hindi nmn galit yung intonation ko, mejo annoyed lang.
                                                                                                            sabi nya.."kasi naman, oras na ng tanghalian nag-a-almusal ka pa lng? mamaya ka na lng matulog pagkatapos ng tanghalian, mamayang hapon. pupunta ako sa palengke, 'kaw muna maiwan dito.". habang sinasabi nya yun nakatingin syang maigi sa'ken.
                                                                                                              alam ko naman nahahalata nyang may problema ako, na magulo isip ko, na paminsan hindi lang puyat ang dahilan ng pamumula ng mata ko sa umaga. pero hindi nya ako tinatanong. dahil alam nyang hindi ko rin naman planong sabihin. cguro nga totoo, na walang makakatalo sa bonding ng isang ina at kanyang anak... na ang kanilang katahimikan ay higit pa sa masalita at showy na pagpapakita ng pagmamahal sa isa't-isa.
                                                                                                                as usual, sumasagot sya ng crossword puzzle ng isang local tabloid while i was drinking my coffee na tinimpla nya. she asked me 'bout some questions there like ano ang element symbol ng kung anik-anik sa periodic table of elements o kung ano ang capital ng ganitong bansa or kung ano ang surname ng isang american actor. ung mga tanong na madalas makita sa crossword puzzle. at since magkausap na kami, at pupunta na rin naman sya sa palengke, at di ko alam ang ibang sagot sa puzzle, hiniram ko na lng ang bolpen nya at nag-doodle sa tabloid.
                                                                                                                  "o bago lang 'yan, bababuyin mo na naman!"
                                                                                                                    "asus! para ito lng eh... kala ko ba mamamalengke ka na? go na! gutom na 'ko. hehehe.."
                                                                                                                      "saglit lang, huhugasan ko muna ung pinag-kainan mo, iiwan mo lng dito eh baka daga-in."
                                                                                                                        "bat naka sleeveless ka? 'kala mo sexy ka? hehehe.."
                                                                                                                          "bilisan mo na kumain."
                                                                                                                            "patingin nga ng braso mo."
                                                                                                                              "o anung gagawin mo?"
                                                                                                                                "magdro-drawing ako..."
                                                                                                                                  "ano na naman yan?.."
                                                                                                                                    "saglit lang.. wag ka malikot."
                                                                                                                                      ayun... at nagdrowing ako ng flower sa braso nya. mga singlaki ng santan. gamit ung panda bolpen na kulay blue... cguro alam nya na nalulungkot ako, kaya hinahayaan nya ako mag-trip hoping na kahit papa'no e mapasaya nya ako...
                                                                                                                                        "anu yan?" *sabay pahid sa tinta ng drowing ko*
                                                                                                                                          "bulaklak, uy ano ba? wag mo burahin. pag binura mo yan wala kang kwentang nanay! hehehe"
                                                                                                                                            "tapos ka na ba? aalis na ako"
                                                                                                                                              "ayan. pede na ba 'kong tattoo artist? cge alis ka na... matutulog ulet ako. wag mo buburahin yan ha?"
                                                                                                                                                ayun, umakyat na ako ulet, at nagpunta na sya sa palengke...
                                                                                                                                                pagkagising ko, dala na nya ung mga napamalengke nya at may bonus pang mais, na alam nyang paborito ko bago mag-lunch.
                                                                                                                                                  umalis sya at umuwi nang may drowing ng flower sa kanyang braso...
                                                                                                                                                    "ang nanay ko talaga...
                                                                                                                                                      parang ako...
                                                                                                                                                        parang tanga...
                                                                                                                                                          hekhekhek..."
                                                                                                                                                            ----------------------------------------------------------------------
                                                                                                                                                            writer's footnotes:
                                                                                                                                                              nung bata pa ako* (around kindergarnish or so)
                                                                                                                                                              nagmumurahan sila** (ex: hoy bata! puki nang ina mo!)
                                                                                                                                                              love*** (she pronounces it as lab, kulet 'no? that's how she and my father calls me before i went to high school)
                                                                                                                                                                b-day nya nung june 3. di ko nabati, nalimutan ko e. alam ko na june 3 birthday nya, pero nalimutan ko na june 3 pala nung araw na yun. nung araw ng june 3. june 6 na nung na-realize ko. sensha na senyo. hehehe... love ko naman sya e. saka di sya nagalit 'no?

                                                                                                                                                                Tuesday, June 07, 2005

                                                                                                                                                                † class sched †

                                                                                                                                                                i was thinking of having a part-time job, but i'd have to try my class schedule first if things could fit in. i don't want to be serving two masters at the same time. wakokok... ung mga gusto akong i-date jan.. ayan.. wakokok... feel free to ask me out. ü

                                                                                                                                                                Schedule for 1st Semester of Junior Year, S.Y. 2005 - 2006

                                                                                                                                                                MONDAYS:
                                                                                                                                                                Asian Civilization 1:00-2:30PM AVA-4
                                                                                                                                                                Social and Political Theories and Movements 2:30-4:00PM AVA-5

                                                                                                                                                                TUESDAYS:
                                                                                                                                                                Foundations of Education I 1:00-2:30PM AVA-4
                                                                                                                                                                Rural and Urban Sociology 2:30-4:00PM AVA-4
                                                                                                                                                                Curriculum Development 5:30-8:30PM AVA-4

                                                                                                                                                                WEDNESDAYS:
                                                                                                                                                                Foundations of Education II 11:30-2:30PM AVA-1
                                                                                                                                                                World Geography 2:30-5:30PM AVA-1

                                                                                                                                                                THURSDAYS:
                                                                                                                                                                Asian Civilization 1:00-2:30PM AVA-4
                                                                                                                                                                Social and Political Theories and Movements 2:30-4:00PM AVA-5

                                                                                                                                                                FRIDAYS:
                                                                                                                                                                Foundations of Education I 1:00-2:30PM AVA-4
                                                                                                                                                                Rural and Urban Sociology 2:30-4:00PM AVA-4
                                                                                                                                                                Educational Evaluation 5:30-8:30PM AVA-4

                                                                                                                                                                ako po ay may cellphone na ulet. wakokokok... i'll post my number later. bibili pa lng kasi me ng sim. because i'm always broke, sun cel sim na lng cguro bibilin ko para unlimited. text me ok? luv yah!

                                                                                                                                                                Wednesday, June 01, 2005

                                                                                                                                                                † a three (3.00) †

                                                                                                                                                                A Three (3.00)
                                                                                                                                                                by: Mrs. Isabel Lucas* & Ms. Nemia Dacumos**
                                                                                                                                                                  I think that I shall never see
                                                                                                                                                                  A grade as lovely as a three
                                                                                                                                                                  1.00 - 1.25
                                                                                                                                                                  A three that’s earned with blood and sweat
                                                                                                                                                                  When failing is a serious threat
                                                                                                                                                                  1.50 - 1.75
                                                                                                                                                                  A three I’ve asked for God all day
                                                                                                                                                                  Knowing praying is the only way
                                                                                                                                                                  2.00 - 2.25
                                                                                                                                                                  Exams are taken by fools like me,
                                                                                                                                                                  But only God can give a three.
                                                                                                                                                                  2.50 - 2.75
                                                                                                                                                                    pakshet! kainggit! buti sana kung tres na lang at hindi singko binigay sakin nung teachers ko sa Algebra* at Chemistry** way back when I was still a freshman. kasi naman i really suck at numbers. ung sa algebra feeling ko deserve ko bumagsak, kasi magaling magturo si mam lucas, bobo lang talaga ako, pero ung sa chem, hindi lang talaga magaling magturo si mam dacumos at bukod sa wala syang motivation e lagi pa syang nagagalit samin dahil cguro sa kanyang post-menopausal period. saka pag nagsusumigaw sya para siyang c mariah carey, medyo namamaos yun nga lang may halong talsik ng laway yung sigaw niya. naiinis pa ako kasi sabi niya nung "light and laser" yung topic namen "ask me anything about our topic.", so ako naman i asked her "mam, why does the rainbow lie on an arch?" and sabi niya naman. "di ko alam e. kayo alam nyo?". gusto ko sanang sabihin "ako alam ko, ba't ikaw di mo alam?" e kasi naman i just want to know that i knew something in her field of knowledge na hindi nya alam, kasi naman feeling ko she's already prepared to flunk me with around 15 of my classmates. at least ako alam ko ung sagot dun sa tanong. thanks to reader's digest. hehehehe.. so i took summer classes because of the sinister spinster. at akalain mo yun! i got 2.25, dalawa lang kaming naka- 2.25 sa chemistry summer class namen out of 50 students. hehehehe.. so ang ranking ko is either highest or second to the highest. so i could say that i'm not that much of an intellectually challenged moron. i'm just plain L-A-Z-Y. salamat din sa magaling naming teacher nung summer class, i just forgot her name. sya kasi ung tipong hindi maramot sa pag-ngiti e. she's really nice and i like her. it makes her a pretty sight.
                                                                                                                                                                      ung sa algeb ko naman. okay lang, natuwa pa nga ako kay mam lucas kasi before the deliberation of our grades sabi nya, "ipinagdasal ko muna itong desisyon ko, kung ibabagsak ba kayo o hindi dahil alam ko, somehow, it will affect ur life. ipinagdasal ko rin na sana sa mga babagsak, maintindihan kayo ng mga magulang nyo. alam ko ang posible nilang maramdaman dahil nanay din ako.".
                                                                                                                                                                        o diba ang drama. sabi ko nga, sana sumulat ka na lang sa "magpakailanman" o kaya sa "maalala mo kaya". pero na-appreciate ko talaga yun, i was even smiling when i saw the 5.00 encircled in my classcard. i'm such a freakin loser in numbers. if numbers were food i'd starve to death.
                                                                                                                                                                          whenever i see mam lucas sa campus, it's either nag-smile ako kapag wala nang matakbuhan pero walang plasticity ung smile ko ha? nahihiya lang ako kaya kung may matatakbuhan naman e nagtatago ako madalas, kasi naman out of five long quizzes, 50 item tests nya highest ko na yata is 14. i even got zero sa dalawang tests. kaya nakakahiya. hehehe..
                                                                                                                                                                            pero balang araw, pag nakasalubong ko si mam dacumos, makakaganti rin ako. pag established na ako sa pagiging teacher. sasabihin ko sa kanya:
                                                                                                                                                                              "ANEMIA? ANEMIA DACUMOS? ung teacher ko sa CHEMISTRY? ma'am ANEMIA ikaw nga! musta ka na? Pakshet ang tagal na nating hindi nagkita ah!" üü