natatandaan mo pa ba noong una tayong nagkita?
< <>
naglalakad-lakad ako sa Payon noon, naghahanap ng kakilala tapos nakita kita. hindi ko maipaliwanag pero parang kinilig ako ng konte nun. mukha kang walang alam sa mundo at gaya ko, tingin ko may hinihintay ka din. naalala ko tuloy noong unang subok ko, wala akong kasama. hindi ko alam ang gagawin ko. wala akong gamit. poring lang hindi ko pa mapatay… pero kahit mahirap, naging rogue din ako.
tapos ayun, nagkwentuhan na tayo. tinanong kita kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo. sabi mo gusto mong pumana ng pumana. so sabi ko mag archer ka na lang… at naghanap na tayo ng requirements mo para mapasok ka na sa Payon’s school of archery.
tinawag ko si jellai para matulungan niya tayo. bale ako ang unang nanghahampas ng mga halimaw, tapos ikaw na ang pumapatay. mas gusto ko kasing mapadali kaya humingi na ako ng tulong. si jellai ang laging gumagamot ng sugat mo. so far, okay naman. sa loob ng isang araw tinanggap ka na sa archer’s guild. archer ka na agad. hanep, ang galing mo na pumana. minsan nagugulat na lang ako nawawala ka, un pala kung anu-ano na pinapana mo… nakakatuwa ka nga e.
tapos, ang susunod na hakbang eh ang pagbili ng mga bagong pana, shempre, habang gumagaling ka, kelangan mo rin ng mas maganda at mas malakas na pana. kaya ayun, ako ang bumili ng unang pana mo. saya ko nga nun e, kasi alam ko napasaya kita. binili na rin kita ng mga palaso, at mga gamot para makapag-lagalag ka sa mundo kahit wala ako.
araw-araw lagi tayong masaya… sa gubat… sa pyramids… sa disyerto… sa kung saan-saan. patay lang tayo ng patay ng halimaw. minsan pinapagalitan kita pag lumalayo ka saken, kasi ayoko pag namamatay ka. nga pala, eh ung first kiss mo saken naalala mo pa ba? kung hindi mo na naaalala, sa payon un. sa may gubat ng mga kawayan.
tapos… tapos… niyaya kitang magpakasal. ewan ko ba, basta gusto ko lang. pumayag ka naman. pero hindi pa pwede kasi kailangan mag-hunter ka muna bago tayo magpakasal, at kelangan din ng 2 milyon at 2 diamond ring. hindi naman ako ganun kayaman… pero pinag-iipunan ko na yun.
pero gaya ng ibang promises, hindi na yata matutuloy ung kasal naten… kasi… kasi… basta… ewan ko nalimutan mo na rin cguro. ü
…so why don`t we go? somewhere only we know…
No comments:
Post a Comment