a friend once told me, whenever you feel anger, or you feel outraged about a sticky situation or with someone, stop and contemplate about things. wait after 15 minutes, and then just move on with it.
in a lot of ways, my classmate is correct. kasi, pag lumagpas na sa 15 minutes ang outrage ng isang tao, ung blabbing, nagging at iba pang non-sense manifestation of tantrums, that is what we call... tan-ta-na-nan! - indulgence. yes. indulgence. minsan kasi ang mga tao nagagalit para lang magpapansin, hindi naman talaga masama ang magalit. it's in the nature of all animals, of all creations, cgruo kahit halaman kapag pinitasan mo ng dahon ng wala namang dahilan magagalit din dba?
alam mo kung ano ang masama? ung mga ginagawa, when anger is put into actions, particularly destructive ones, like hurtful words, wrong accusations and most often, violence. at ewan ko ba, minsan ung ibang tao, feeling proud pa sila to say na "galit ako", "wag mo kong kakausapin kundi naku". which they should really be ashamed of, i mean, sino ba tataas blood pressure? sino ba ang namumula ang ilong sa galit? sino ba ang nahihirapang huminga? isa pa, pride is one of the seven deadly sins. the deadliest as far as i know coz it's the one least detected.
o cge, given na ayaw mag-sorry, shempre naman matatakot magsorry ung taong nagkasala sayo kung nagwawala ka. baka nga naman hampasin mo ng kahit na anong makita mo dba? kaya nga suggested ung 15 minute break e, for the good of all. just try it, hindi naman kasi porke sinabi na 15 minutes, hindi ka na magagalit, shempre andun pa rin un pero the 15 minutes serves as the space for u to think, kasi walang taong galit na matino mag-isip.
on the other hand, kung hindi rin naman bukal sa loob mo ang forgiveness, forget it. mas mabuti nang magpaka-totoo, mas okey makipagbati after a year of cold-war kesa naman sa makikipag-ayos ka nga after 15 minutes, only to keep hidden grudges and making it grow. sabi nga nila, you reap what you sow.
1 comment:
I love inaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!!
Post a Comment